Abot tanaw na ang ating pangarap para madugtong ang isla ng
Laoang sa kalakhang Northern Samar at kabuuang Samar Island!
Ngayong araw, nakipagpulong tayo sa DPWH kasama ang team of
engineers and consultants mula sa Kyong-Ho Co. Ltd upang pag-usapan ang estado
ng Samar Pacific Coastal Road 2 (SPCR 2) Project. Ito ang matagal na nating
pinapangarap na magkaroon ng Laoang Bridge 2 (Talisay-Laoang) at Calomotan
Bridge na siyang magsusulong ng mas mabilis na pag-unlad ng ating mahal na
bayan ng Laoang at mga karatig na lugar.
Nasa proseso na ng paggawa ng detailed engineering design
(DED) ang pamahalaang nasyunal sa pamamagitan ng DPWH, kasama ang engineering
consultants at Korean Economic Development Cooperation na siyang magiging
katuwang ng pamahalaan sa pagpapatupad sa konstruksyon ng SPCR 2. Tinatayang
matatapos and DED sa katapusan ng 2026 at sisimulan ang konstruksyon ng
proyekto sa 2027, batay sa report ng DPWH.
Ipinapaabot ko ang aking pasasalamat sa pamahalaang
nasyunal, DPWH Roads Management Cluster - Unified Project Management Office
(UPMO), sa Kyong-Ho at team of Korean consultants na personal na nagpunta sa
Kapitolyo para sa mahalagang pagpupulong na eto.
Kami ni Second District Congressman Edwin Ongchuan,
isusulong namin ang katuparan ng SPCR 2 na siyang magiging tulay natin sa mas
maginhawang bukas!
Post a Comment