Malaki ang maitutulong ng backyard gardening sa ating pang
araw-araw na pamumuhay. Kung magsisimula tayong magtanim sa ating mga tahanan
ng mga tanim na madaling palaguin, hindi lamang tayo nakatitipid, kundi
nakakakain din tayo ng sariwa at masustansyang pagkain na nakatutulong sa
pagpapanatili ng ating kalusugan.

Sa loob ng Provincial Agriculture and Fisheries Extension
Center sa Barangay Galutan, Catarman, sinusulong natin ang backyard farming o
gardening. Bilang isang demonstration farm, layunin nitong turuan ang mga lokal
na magsasaka na maging masinop at madiskarte sa paggamit ng kanilang limitadong
lupang sinasaka. Ang mga kaalamang kanilang natutunan ay maaari nilang
maibahagi sa kanilang komunidad upang ang bawat pamilya ay magkaroon din ng
sariling pagkukunan ng pagkain, lalo na sa panahon ng krisis ngayon.
Post a Comment