Isang karangalan na maging panauhing pandangal sa pinaka-espesyal na araw ng ating mga masisipag at puno ng determinasyon na mga TESDA graduates ng Balicuatro College of Arts and Trades.
Na-delay man ng bagyo, hindi ito naging balakid para ipagpatuloy ang selebrasyong ito dahil nararapat lamang na bigyang pugay ang bunga ng tatlong taong pagsisikap ng ating mga TESDA scholars sa probinsya.
Nawa’y hindi na maging mahirap ang pagtahak ninyo sa tagumpay dahil mayroon na kayong sapat na kakayanan at hindi kayo nag iisa dahil sa Serbisyong HCO, isa sa ating pinagtutuunan ang pagbibigay ng sapat na kaalaman, kasanayan, at oportunidad sa mga kabataan.
Pinupuri ko din ang TESDA BCAT ng Allen sa pagpapanatili ng de-kalidad na technical-vocational education sa Northern Samar. Congratulations graduates, mga magulang, at TESDA BCAT Administrators, Faculty and Staff!
Post a Comment